11 durugista, AWOL sa PH Army arestado sa QC

NEWS

 Inanunsyo ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Remus B Medina, ang pagkakaaresto ng labindalawang (12) drug suspects kasama ang AWOL na miyembro ng Philippine Army na nagresulta sa pagkakumpiska ng humigit kumulang P353,600 halaga ng shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Kinilala ni PLTCOL Melgar Devaras, Hepe ng District Special Operations Unit (DSOU) ang AWOL na miyembro ng Philippine Army na si Lemuel Jose Anosa, 36 anyos, nakatira sa Brgy. Pasong Tamo, Q.C.

Base sa report, dakongalas-11:45 ng gabi noong Biyernes, nagsagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng DSOU sa kahabaan ng AFP Road, Brgy. Holy Spirit, Quezon City, nang mapansin nila si Anosa na may naka-usli sa kanyang tagiliran.

Kaagad nila itong nilapitan upang kumprontahin, at nang sinabi nila na itaas ang kanyang damit, isang replica ng calibre ng baril ang nakuha sa kanya na nagresulta sa kanyang pagkaaresto at nakumpiskahan din ito ng shabu na nagkakahalagang Php13,600.

Samantala, sa ikinasang buy-bust operation ng Galas Police Station (PS 11) sa pamumuno ni PLTCOL Richard Ian Ang, tatlo ang naaresto na kinilalang sina Ian Christopher Enrico, 29, Bryner Villeza, 32 , kapwa resident ng Sampaloc, Manila; at Alvin Tamayo, 36, ng Quiapo, Manila.

Ikinasa ang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 11 dakong alas-12:14 kaninang madaling araw, (June 11) sa kahabaan ng Tomas Pinpin St., Brgy. Sto. Niño, Q.C.

Nakuha sa kanila ang walong pakete ng shabu na nagkakahalagang Php136,000.00, isang cellphone, at ang buy-bust money.

Sa Talipapa Police Station (PS 3) sa pamumuno ni PLTCOL Alexander Barredo ay nadakip naman sina Mary Ann Montero, 41, Raymond Dela Cruz, 41, Robin Seladores, ng Brgy. Baesa, Q.C. Jeffrey Rodriguez, 29, ng Brgy. Apolonio Samson, Q.C. at Ruby Nicole Cruz, 31, ng Brgy. Gulod, Novaliches, Q.C.

Ang mga suspek ay inaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng PS 3 dakong alas-12:30 ng madaling araw, nitong (Hunyo 11) sa tahanan ni Montero sa No. 24 F Carlos, Brgy. Baesa, Q.C.

Nakumpiska mula sa kanila ang siyam (9) na pakete ng shabu na nagkakahalagang P102,000, at ang buy-bust money. Sa Holy Spirit Police Station (PS 14) sa pamumuno ni PLTCOL Jeffrey B Bilaro naman ay inaresto din ang tatong suspek na kinilalang sina James Foronda, 39, ng Macaspac Pasong Tamo Q.C.

Normina Mama, 43, ng Brgy. Holy Spirit, Q.C, at Bobby Primabera, 43, ng Brgy. Holy Spirit, Q.C.

Nakatanggap ng ulat ang PS 14 mula sa isang regular Confidential Informant hinggil sa pagkakasangkot ng iligal na droga ng mga suspek kaya kaagad isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-12:15 ng madaling araw nitong (Hunyo 11) sa Congressional Avenue Corner Luzon Brgy. Culiat, Q.C.

Narekober mula sa mga suspek ang humigit kumulang labinlimang gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php102,000, isang brown na pitaka, at ang perang ginamit sa transaksyon.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag RA9165 Sec. 5 and Sec. 11 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Bilang mga tagapagtanggol ng mamamayan, ang QCPD ay patuloy na magsasagawa ng marami pang anti-illegal drug operations upang masawata ang paglaganap ng iligal na droga sa ating lungsod,” ani ni PBGEN Medina.