Coco Martin, pinasilip ang kanyang napakayabong na vegetable garden na kanyang kinahiligang gawin sa tuwing wala siyang taping.

NEWS

Kilala ang aktor na si Coco Martin sa kanyang pagiging isang mahusay na aktor, sa kabilaan niyang taping naglalaan pa rin siya ng oras na maging kapakipakinabang pa rin ang kanyang araw ng pamamahinga. Malayo sa kanyang pagiging isang action star ang kanyang madalas na pagka-abalahan ngayon. Dahil sa tuwing wala siyang taping ay madalas magpunta si Coco sa kanyang vegetable garden, ito na ang kanyang nakahiligang gawin kapag wala siyang trabaho. Dito niya inilalaan ang kanyang oras hindi para mag-relax kundi para na rin alagaan at mas lalo pang payabungin ang kanyang mga pananim na mga gulay.

Makikita sa kanyang mansyon sa Quezon City ang kanyang ‘mini garden’, dito muling pinatunayan ni Coco na possible talaga ang tinatawag na ‘urban farming’. Sa mga larawang ibinahagi ng aktor sa kanyang social media account ay makikita na halos kulay berde ang lahat ng kanyang mga tanim na puno at gulay sa kanyang hardin. Ilan ng sa mga ito ay ang papaya, ampalaya, talong, pechay at iba pang gulay na paborito niyang kainin tulad ng kamatis, sitaw at pipino. Halos kumpleto na nga ang kanyang mga pananim na gulay. Hindi rin mawawala ang naglalakihang puno kagaya ng mangga na siyang nagbibigay ng lilim sa lugar.

Samantala, maliban sa narerelax si Coco sa kanyang ‘mini garden’ masayang-masaya naman ito dahil fresh ang mga gulay na kanyang kinakain at napipitas lang ito sa gilid ng kanyang bakuran. Malaking tulong din ito sa kanya lalo na noong nagkaroon ng community quarantine noong nakaraang taon lamang. Hindi biro ang panahon na ginugol ng aktor sa pagtatayo ng kanyang maliit na hardin at marami ngang netizens ang nakapansin sa pagiging organized nito. Mayroon kasing sapat na agwat at layo ang bawat pananim at nilalagyan niya rin ito ng tamang mga kagamitan para tumubo ng maayos tulad nalang ng mga kahoy para sa kanyang sitaw at ampalaya.

Makikita rin na mayroong maliit na bahay kubo ang kanyang hardin. Dito niya madalas na dinadala ang kanyang mga bisita at dito na rin sila kumakain ng mga nilutong pagkain na mula mismo sa kanyang mga pananim. Mas lalong hinangaan ngayon ang aktor dahil sa pagiging produktibo pa rin nito kahit na wala siyang taping na imbis magpahinga ay nagagawa pa rin ang ganitong mga bagay. Tunay ngang totoo ang kasabihan na kapag mayroon kang itinanim ay mayroon ka ring aanihin.