Romnick Sarmenta may pakiusap sa 31M na bumoto kay BBM

NEWS

Matapos makamit ng mga supporters ni president elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tagumapay sa pagkapanalo ng kanilang kandidato, tila hindi pa rin matanggap ng ilang mga kakampink (supporters ni Vice President Leni Robredo) ang pagkatalo ng kanilang manok.

Romnick Sarmenta / Photo on his Facebook page Isa na rito ay ang aktor na si Romnick Sarmenta.  Sa Kanyang Facebook post, nakiusap ang aktor na i-unfollow at i-unfriend na lamang siya ng kanyang mga followers at kaibigan kung sila ay bumoto kay BBM. Aniya, malinaw raw na iba ang pinahahalagahan at paniniwala niya dahil si Leni ang kanyang ibinoto.

Romnick Sarmenta / Photo credit: ABS-CBN

 

Romnick Sarmenta / Photo credit on his Facebook page   “Mas gugustuhin kong makita, na ang kakaunting matitira sa listahan ng kaibigan at sumusuporta sa akin, ay mayroon ding malasakit sa mga pinahahalagahan ko,” sabi ni Romnick. Sa ngayon ay mayroon lamang 101k followers si Romnick sa kanyang Facebook page.

  Narito ang kanyang buong post: “P A K I U S A P Read before liking. Nagpapasalamat ako sa lahat ng pagmamahal, pagkakaibigan at suportang ibinigay ninyo sa maraming taon. Pinahahalagahan ko yun at kinikilala. Salamat. Mahal ko kayo.

Romnick Sarmenta / Photo credit on his Facebook page

Romnick Sarmenta / Photo credit to the owner Pero mayroon akong pakiusap, kung may pag galang kayo, at pagkilala sa kapwa tao. Kung kasama ka sa 30M, paki unfollow o unfriend na po ako. Hindi lingid sa inyo kung sinong sinuportahan o ibinoto ko. Malinaw na hindi magkapareho ang pinili natin at pinahahalagahan.  Malinaw, na magkakaiba ang ating paniniwala. At kung tutoo ka sa sarili mo, maiintindihan mo ang nais at ibig kong sabihin.  Walang panghuhusga sa bahagi ko, kaya nga nakikiusap.

Romnick Sarmenta / Photo credit to the owner Sinabi ko na noon, na hindi ako magdadalawang isip sa pag block ng mga taong hindi ko kailangan sa mga social media accounts ko. Pero wag nyo na akong pagurin pa. At dahil di ko naman kayo inaabala, wag na kayong mag abala pa sa akin. Mas gugustuhin kong makita, na ang kakaunting matitira sa listahan ng kaibigan at sumusuporta sa akin, ay mayroon ding malasakit sa mga pinahahalagahan ko. At dahil magkaiba tayo ng mga prinsipyo, tiyak kong hindi naman ako magiging kawalan sa inyo, at madali namang gawin ito. Salamat, sa pagpapaubaya. Patnubayan ka ng Panginoon.”     *** Source: Romnick Sarmenta | Facebook page