Sa edad na 52-anyos, hindi maitatangging taglay pa rin ni Alice Dixson ang kanyang kahuma-humaling na kagandahan!

NEWS

Sabi nga nila, lahat ng tao ay lilipas din at darating sa pagtanda. Nariyan ang pagputi ng buhok, pangungulubot ng balat na sadyang hindi nating mapipigilan habang lumilipas ang panahon. Ngunit tila nag-iiba ang usapan kung iyong masisilayan ang hindi kumukupas na kagandahan ng tanyag na aktres na si Alice Dixson.

Unang nakilala nang kanyang bitawan ang iconic line na “I can feel it!” sa isang sikat na shampoo commercial noong dekada 80. Mula noon ay nagtuloy tuloy ang pamamayagpag ng karera ni Alice. Siya\’y naging kalahok rin sa Binibining Pilipinas at gumanap na \’Faye” sa programang Okay ka, Fairy ko! kasama ang aktor na si Vic Sotto. Kinilala si Alice na isa sa mga pinakapipitagang leading lady sa kanyang panahon.

Bukod sa natatanging kagandahan ay pinatunayan rin nito ang husay sa pag-arte sa pamamagitan ng pagsabak sa iba\’t ibang role. Mapa-drama o komedya ay laman ng mga pelikula ang 52-anyos na aktres. Pinagbidahan nito ang mga pelikulang “Dyesebel” (1990), “Ang Boyfriend Kong Gamol” (1993) at ang kontrobersyal na “Jessica Alfaro Story” noong 1995.  Tuloy-tuloy man ang mga naging proyekto nito noon at may mga pagkakataon man na nagpahinga siya sa industriya.

Hindi nagpabaya sa kaniyang sarili ang beteranang aktres at matagumpay na napanatili ang kanyang kagandahan, kaya naman hanggang ngayon ay marami pa rin ang kanyang taga-hanga. Ayon umano sa aktres, hindi naman malaki ang naging pagbabago sa kanyang pakiramdam ngayong nasa edad 50 mahigit na siya. Halos pareho pa rin daw kung ikukumpara noong siya\’y 20, 30 o 40 taong gulang.  

Maliban sa tumatandang mentalidad at pangangatawan, ayon kay Alice Dixson ang pagiging isang mabuting tao ay marapat lang na hindi magbago mula noon hanggang sa habang panahon. Sabi nga ng isang netizen na si Chardy, “Hindi porket tumatanda ka na ay hindi ka na magpapaganda. Ang pag-aalaga sa kalusugan at pisikal na kaanyuhan ay hindi naman para sa mga tao sa paligid o lipunan, kundi para sa ating sarili na siyang ating natatanging yaman.”